Sambahan
Sa aming pagtungo sa Parokya ng Mabuting Pastol sa Pala-pala Dasmariñas City, Cavite ay tamang-tama dahil may nagaganap na isang kasalan. Napakasarap pala talagang makasaksi ng isang kasalan lalo na't kung ang mga awitin na pinaparinig ay iyong naiintindindihan. Lahat kami'y naging tahimik sa loob, pinaringgan naming lubusan ang tugtugin habang nakatinggin sa dalawang taong ipinares ng ating Panginoon. Habang nagkukuhaan na ng larawan ay nagsimula na rin kaming kumuha ng mga larawan sa loob ng simbahan katulad ng larawan ng mga Apostol at ng ating Panginoong Hesu Kristo.
Nang kami ay matapos, pansin na pansin namin ang isang minor de edad na marungis at may hawak na sako. Napansin namin na tila nag-iikot ang kanyang mga namimilog na mata at agad na pumasok sa aming isipan na hawakan ng mabuti ang aming mga gamit. Di namin mapigilan na siya'y tingnan at nang kami'y mapalingon muli ay nakita namin ang kanyang kamay na nakahawak sa isa sa mga saksakan ng simbahan para sa elektrisidad. Bigla niyang tinanggal ang kanyang kamay dito dahil sa nakita niya kaming nakatinggin sa kanya at agad kaming lumihis ng tinggin. Muli sa pangalawang pagkakataon nangyari muli iyon ngunit sa ibang saksakan naman.
Sa paglabas namin upang kuhaan na namin ng larawan ang ikinasal habang palabas ng simbahan ay nakita naming muli ang lalaki sa simbahan na tila iniintay na magsilabasan ang mga tao sa loob. Nang nakuha na ng ikinasal ang atensyon ng lahat ay bigla nang tumakbo ang lalaki papasok ng simbahan. Nakuhaan na namin ng larawan ang ikinasal at umalis na ang lahat. Napag-desisyunan na rin naming magpahinga at kumain na muna sa loob ng SM Dasma.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento